Tayutay (Figures of Speech)

Simili o Pagtutulad – di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.

Halimbawa :

1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit.
2. Si Menandro’y lobong nagugutom ang kahalintulad.
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.
4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan.
5. Si maria na animo’y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan.
6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan.

Metapora o Pagwawangis – tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.

Halimbawa:

1. Siya’y langit na di kayang abutin nino man.
2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
4. Ikaw na bulaklak niring dilidili.
5. Ahas siya sa grupong iyan.

Personipikasyon o Pagtatao – Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao – talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. ‘PERSONIFICATION’ sa Ingles.

Halimbawa:

1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.

Apostrope o Pagtawag – isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.

Halimbawa:

1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.
3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
4. Ulan, ulan kami’y lubayan na.
5. Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit, Liwanagin yaring isip, nang sa layon di malihi

Pag-uulit

Aliterasyon – Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.

Halimbawa:

1 Iniinganyo, inaakay, inaanod ang inang inapi ng inyong inpong.

2 Mababakas sa mukha ng isang mabuting mamamayan ang marubdob niyang pagtatangi sa mahal niyang bayan

3 Palabiro na palaboy sa pamayanan kaya kilala siya ng kanyang pamlya.

4 Minabuti ng magulang na mapagmahali siya nang sagayon mahalin siya ng maraming mamayan.

5 Kasing bait ng kalabaw ang kanyang kapitbahay dahil sa siyay kinagigiliwan ng lahat.

 

Anapora – Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay.

Halimbawa:

  • Ang bagay ay gawa ng lahat,para sa lahat at galling sa lahat .
  • Mas makapangyarihan ang pamahalaan ,kontrolado ng pamahalaan at dapat kang sumunod sa pamahalaan.
  • Ang lahat ay may halaga,kahit anung liit nito ay may halaga kaya pahalagahan natin kahit kaunti man basta may halaga.

Anadiplosis – Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay.

Halimbawa:

  • Kamatayan ko man siyay aking puriin.

Puriin ko ng siyay angkinin;

Angkinin ko ng siyay mahalin,

Mahalin ko ng kami ay magsaya.

  • Kailangan kong gawin ng itoy baguhin

Baguhin koman ng itoy magisnan;

Magisnan ng lahat ng matalino,

Matalino ang mas nakakaalam.

  • Ang lahat na bagay ay siyasatin

Siyasatin ang pinakamahalagang sundin;

Sundin moman na walang gawiin,

Gawiin ang nakakapagpalinaw sa lahat.

Epipora – Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod.

Halimbawa:

  • Ang bagay ay gawa ng lahat,para sa lahat at galling sa lahat .
  • Mas makapangyarihan ang pamahalaan ,kontrolado ng pamahalaan at dapat kang sumunod sa pamahalaan.
  • Ang lahat ay may halaga,kahit anung liit nito ay may halaga kaya pahalagahan natin kahit kaunti man basta may halaga.

Empanodos o Pabalik na Pag-uulit – Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag

Katapora – Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan.

Halimbawa:

Siya ang nanalo sa patimpalak, sapagkat pinag handaan ito ni Daniel

Ang araw na iyon ay totoong maswerte sa akin. Lunes din nang ako’y gawaran ng unang gantimpala sa pag-awit

Pagmamalabis o Hayperbole – Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.

Halimbawa:

  • Gumuho ang mundo,uula ng apoy,maabot ang langit.
  • Luluha ng dugo,maglabas ng pako,hihiga sa pera
  • Masunugan ng palayan,bumaha ng pera ,maabo ang araw.

Panghihimig o Onomatopeya – ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.

Halimbawa:

  • Ang himig nitong ibon,agus nitong ilog ay nagpapakita ng kayamanan sakagubatan.
  • Ang alimuyak na bulaklak,mayamang halaman ay nakapagdulot ng katiwasayan.
  • Ang mabungad na pagsalamuha, galang na pagbati ay nakagagaan ng loob.

Pag-uyam o Ironiya – Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin.

Halimbawa:

  • Napakalinis sa ilog na yon walang isdang nabubuhay.
  • Napakataas monaman kaya hindi mo naabot ang nakalagay sa misa.
  • Napakalinaw ng mata mo bakit hindi mo yan makikita.

Senekdoke o Pagpapalit-saklaw – isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.

Halimbawa:

  • Hangang mawasak mo ang aking puso.(puso-damdamin)
  • Kahit sirain mo pa ang aking mga kamay. (Kamay-pangarap)
  • Hanaggat matigas pa ang aking mga paa.(paa-katawan)

Pagpapalit-tawag o Metonymy – Ito’y pagpapalit ng katawagan ng mga bagay na magkakaugnay, hindi sa kahambingan kundi sa mga kaugnayan. Ang kahulugan ng meto ay “pagpapalit o paghalili.”
Halimbawa:
1 Tumanggap siya ng mga palakpak (papuri) sa kanyang tagumpay.
2 Ibinigay sa kanya ang korona (posisyon) ng pagka-pangulo.
3 Ang panulat ay mas makapangyahiran kaysa sa espada.

Paglilipat-wika o Transferred Epithet – tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.

Halimbawa:

1 Ang ulilang silid ay naging masaya sa pagdating ni Lucy.
2 Ang mapaglingkod na payong ay maingat na tiniklop ni Eleanor.
3 Ang kahabag-habag na tuwalya ay dinala ng agos.
4 Ang matapat na bentilador ay nagbigay-ginhawa sa kanya nang kanyang buksan.

Balintuna – isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli.

Pasukdol o Klaymaks – pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.

Halimbawa:

  • Nararamdaman na namin ang malamig na simoy ng hangin,ingay ng mga nangangaroling tuwing gabi,at makikita na ang mga napakaliwanag na mga ilaw sa kalye na nagsisimbulong malapit na ang pasko.
  • Biglang nawala ang liwanag na sikat ng araw, dumilim ang kapaligiran,na nagsisimbulong paparating na ang bagyo.
  • Biglang naliliwanagan,nabigyan ng pag-asa ang madilim na kahapon sa isang nabiktimang bagyong Ondoy

Antiklaymaks- paggamit ng mga inihanay na pahayag ng damdamin kaisipan na may maliwanag na impresyon ng pagbaba ng tindi ng kahulugan o ng ideya.
Halimbawa:
1. Alaala nya tila lumayo, nawala at napawi.
2. Nakipaglaban hanggang sa nawalan ng pag-asa.
3. Pagsisikap ng magulang napawi sa pariwarang anak.

Pagtanggi o Litotes – gumagamit ng katagang “hindi” na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito’y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.

Halimbawa:

1 Siya ay hindi isang kriminal.
2 Hindi niya magawang magsinungaling sa panahon ng kagipitan.
3 Ang aking kapatid ay hindi isang taong walang dangal.

Retorika na Tanong-  hindi ito nag hihintay ng kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng pag-aalinlangan.
Halimbawa:
1. May magulang bang nagtatakwil ng anak?
2. May kaligtasan pa kaya si Elisa?
3. Papawi pa ba ang sakit na kanyang naramdaman?

Paralelismo. sa pamamagitan ng halos iisang istruktura, itatag dito ang mga ideya sa isang pahayag.
Halimbawa:
1. Pook na karaniwan ay may tanawin ng mga damo at punongkahoy na ginagamit ng taong bayan para pasyalan.(parke)
2. Kailangan natin ang bahay na tirahan, ang damit na kasuotan at ang pagkaing panlaman ng tiyan.
3. Maging mapanglaw, matamlay, ang kanyang nararamdaman. (malungkot)

Eupemismo. pagpapalit ng salitang mas magandang pakinggan kaysa sa salitang masyadong matalim, bulgar o bastos.
Halimbawa:
1. Kailangan nating bawasan ang mga empleyado. (Tanggalin sa trabaho)
2. Malakas lumamon si NJ. (Malakas kumain)
3. Papawi pa ang sakit ng kanyang naramdaman.

Bahagi ng Pananalita

 

  1. PANGNGALAN (Noun)

Mga Uring Pansemantika

  1. Pantangi (Proper Noun)– partikular ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook o pangyayari.

Hal. Miguel, Clarissa, Bb. Luz De Guzman

Tagpi, Muning, Brownie, Spotty

Magasing Panorama, Mongol 2

Talon ng Maria Cristina, Ilog Pasig

Paligsahang Bb. Universe ng Taong 1975

  1. Pambalana (Common Noun)– tumutukoy sa pangkahalatang-diwa.

Hal. bata, lalaki, babae, lolo, abogado

aso, pusa, insekto

lapis, kotse, relo, radio

ilog, lungsod, kabundukan

sayawan, gulo, banggaan

  1. Tahas (Concrete) – ang pangngalan kung tumutukoy sa bagay na material.

Hal. tao, hayop, puno, gamut, pagkain

  1. Basal (Abstract) – ang tinutukoy ay hindi material kundi diwa at kaisipan.

 

Dalawang uri ng tahas: Di-palanasak at palansak.

Palansak (Mass Noun) – tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay.

Hal. Buwig, kumpol, hukbo, lahi, tumpok, tangkal

Di-palansak – tumutukoy lamang sa mga bagay na isinasaalang-alang nang isa-isa.

Hal. Saging, bulaklak, sundalo, tao, kamatis, manok

Mga Uring Pangkayarian

  1. Payak – ang pangngalan kung ito ay isang salitang-ugat lamang.

Hal. asin, bunga, balak, diwa

  1. Maylapi o Hinango – kung binubuo ng salitang-ugat at panlaping makangalan.

Hal. kaklase, kabuhayan, pagbasa, dinuguan

  1. Inuulit – ang pangngalan kung ang kabuuan nito o ang bahagi nito ay inuulit.

Dalawang uri ng Inuulit: Pag-uulit na di-ganap o pag-uuli na parsyal at ang pag-uulit na ganap.

 

Pag-uulit na di-ganap o pag-uulit na parsyal – ay yaong bahagi lamang ng salitang-ugat ang inuulit.

Hal. bali-balita, Sali-salita, tagu-tagumpay

        pagtuturo, pagpaplano

Pag-uulit na ganap – pag-uulit sa buong pangngalan

Hal. kuru-kuro, bayan-bayan, sabi-sabi

  1. Tambalan – ay binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinag-iisa.

Ang kayarian ay tumutukoy sa anyo ng salita at iba pang yunit ng wika.

Ang anumang salitang maaaring isunod sa ang/si, ng/ni, sa/kay, at mga anyong maramihan ng mga ito, ay isang pangngalan o dili kaya ay isang salitang gumaganap ng tungkulin ng pangngalan.

Hal.

  1. Nakatapos sa pagdodoktor ang anak na matiyaga.
  2. Ang tagumpay ng anak ay tagumpay rin ng mga magulang.
  3. Hindi matatapatan ng salapi ang pagtingin ng magulang sa anak.

Ang anyong maramihan ng ang/si ay ang mga/sina; ang maramihan ng ng/ni ay ng mga/nina; at ang maramihan ng sa/kay ay sa mga/kina.

Hal. ang  mga anak, ng mga anak, sa mga anak, nina Maria, kina Maria, sina Maria

Mga Kakanyahan ng Pangngalan

  1. Kausapan o Panauhan ng Pangngalan – ang nagsasabi kung ang pangngalan ay tumutukoy sa taong nagsasalita, taong kumakausap, o taong pinag-uusapan.

Halimbawa :

Ako si Don Diego.

Ikaw si Don Diego.

Siya si Don Diego

  1. Kailanan ng Pangngalan – nalalaman natin kung ang pangngalan ay tumutukoy sa isa, dalawa o higit pang tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari. Ito ay maaaring isahan, dalawahan, maramihan o lansakan.

Halimbawa:

Isahan                   :               kapatid

Dalawahan          :               kambal

Lansakan             :               kawan

  1. Kasarian ng Pangngalan  – pangngalang may sekso at walang sekso.

Pag-uuri ng Pangngalan Ayon sa Kasarian

v  Mga Pangngalang may Kasarian

Tiyak na Kasarian

Panlalaki

Pambabae

Di-tiyak na Kasarian

v  Mga Pangngalang Walang Kasarian

Halimbawa:

Mga Pangngalang Tiyak na Panlalaki

Mario                                    kuya

Ginoong Ramos                 tandang

Don Jose                                ninong

 

Mga Pangngalang Tiyak na Pambabae

Maria Ana                           ate

Gng. Ramos                        ninang                  dumalaga                            Donya Perez

Mga Pangngalang Di-Tiyak ang Kasarian

Estudyante                         manok                  kapatid                                 guro

manananggol                     kalabaw

Mga Pangngalang Walang Kasarian

Bibliya                                   diwa

Bulking Mayon                  aklat

Maynila                                                laro

  1. Kaukulan ng Pangngalan – ang tawag sa kakanyahan ng pangngalang nagpapakita ng gamit nito sa pangungusap.

Dalawang Uri ng Kaukulan  ng Pangngalan

  1. Kaukulang Palagyo – kung ginagamit itong simuno, pamuno sa simuno, pangngalang patawag, kaganapang pansimuno, o pamuno sa kaganapang pansimuno.

Simuno gamit ang pangngalan

Si Rizal ay Dakilang Malayo

        Pamuno sa Simuno ang gamit ng pangngalan

Si Rizal, ang bayani, ay Dakilang Malayo.

Pangngalang patawag ang gamit ng pangngalan

Carisa, alagaan mo si Choy.

Kaganapang pansimuno ang gamit ng pangngalan

Si Mabini ay Dakilang Lumpo.

Pamuno sa kaganapang pansimuno ang gamit   ng pangngalan

Ang dalagang iyon ay si Alice, ang pinsan ko.

  1.  Kaukulang Palayon – ang pangngalan kung ginagamit na layon ng pandiwa o layon ng pang-ukol o kung pamuno sa alinman sa dalawa.

Layon ng pandiwa ang gamit ng pangngalan

Ang masipag na ama ay nagsisinop ng kanilang bakuran

Layon ng pang-ukol ang gamit ng pangngalan

Ibigay mo kay Cesar ang para kay Cesar, at sa Diyos ang para sa Diyos.

Pamuno sa layon ng pandiwa ang gamit ng pangngalan

Ang mga Hapon ay umaangkat sa Pilipinas ng mangga, isang ipinagmamalaking bungang-kahoy natin.

Pamuno sa layon ng pang-ukol ang gamit ng pangngalan

Igalang mo ang ukol sa relihyon, ang tagapag-ugnay natin sa ating Panginoon.

 

2         PANGHALIP (PRONOUN)

 

Pananaw na Pansemantika : ang panghalip ay salita o katagang panghalili sa ngalan.

Pananaw na Istruktural : and panghalip ay maikilala dahil sa impleksyon o pagbabagong- anyo.

 

Uri ng Panghalip

  1. Mga Panghalip na Panao – ay panghalili sa ngalan ng tao.
Panauhan Anyong ang (palagyo) Anyong ng (paukol) Anyong sa (paari)
Isahan
Una Ako Ko Akin
Ikalawa Ikaw, ka Mo Iyo
Ikatlo Siya Niya kanya
Dalawahan
Una *(kata)

Kita, tayo

*(nita)

Natin

*(kanita)

Atin

Ikalawa Kayo Ninyo Inyo
Ikatlo Sila Nila Kanila
Maramihan
Una Kami Naming Amin
Ikalawa Kayo Ninyo Inyo
Ikatlo Sila Nila Kanila

 

  1. Mga Panghalip na Pamatlig – humahalili sa sa ngalan ng tao, bagay, atb. na itinuturo o inihihimaton.

I. Pronominal

Anyong ang (Paturol)

*ire (ibang anyo  : yari)

ito

iyan (ibang anyo : yaan)

iyon (ibang anyo :yaon)

Anyong ng (Paari)

*nire (ibang anyo :niyari)

nito

niyan

noon (ibang anyo: niyon, niyaon)

Anyong sa (Paukol)

*dine

dito

diyan

doon

II. Panawag-pansin o Pahimaton

1. *(h) ere

2. (h) eto

3. (h) ayan

4. (h) ayun

III. Patulad

*ganire

ganito

ganyan

ganoon (ibang anyo:       gayon)

IV. Palunan

*narini (ibang anyo :       nandini)

narito (ibang anyo :         nandito)

nariyan (ibang anyo :      nandiyan)

naroon (ibang anyo :      nandoon)

 

  1. Panghalip na Panaklaw – sumasaklaw sa kaisahan, dami, o kalahatan ng tinutukoy.

Halimbawa:

isa           anuman               magkanuman

iba          alinman                                kuwan

balana   sinuman

lahat      ilanman

tanan    kailanman

madla    saanman

pawa     gaanuman

  1. Panghalip na Pananong – yaong mga panghalili sa ngalan ng tao, bagay, atb. na ginagamit sa pagtatanong.

Halimbawa:

Isahan                   Maramihan

sino                        sinu-sino

ano                        anu-ano

alin                         alin-alin

kanino                  kani-kanino

ilan                         ilan-ilan

 

 

  1. PANDIWA (VERB)

 

Pansemantika : ang pandiwa ay salitang nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita

Istruktural : ang pandiwa ay nakikilala sa impleksyon nito sa iba’t ibang aspekto ayon sa uri ng kilos na isinasaad nito.

 

Kayarian ng Pandiwa

Ang pandiwa sa Filipino ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama ng isang salitang-ugat at ng isa o higit pang panlapi.

 

Kaganapan ng Pandiwa

Ang tawag sa bahagi ng panaguri na bumubuo o nagbibigay ng ganap na kahulugan sa pandiwa at magagawang paksa ng pangungusap kung babaguhin ang pokus ng pandiwa.

 

Pitong Uri ng Kaganapan ng Pandiwa

¢  kaganapang tagaganap

¢  kaganapang layon

¢  kaganapang tagatanggap

¢  kaganapang ganapan

¢  kaganapang kagamitan

¢  kaganapang sanhi

¢  kaganapang direksyunal


Mga Pokus ng Pandiwa

  1. Kaganapang Tagaganap  –  panaguring nasa pokus sa tagaganap ang pandiwa  + paksa

Halimbawa :

  1. Kinain ng bata ang suman at manggang hinog. –
  2. Kumain ng suman at manggang hinog ang bata.

(Ang bata ay kumain ng suman at manggang hinog.)

  1. Kaganapang Layon –  panaguring nasa pokus sa layon ng pandiwa + paksa

Halimbawa :

  1. Kinain ng bata ang suman at manggang hinog. –
  2. Kumain ng suman at manggang hinog ang bata.

(Ang suman at manggang hinog ay kinain ng bata.)

  1. Kaganapang Tagatanggap – panaguring nasa pokus sa tagatanggap ang pandiwa + paksa

Halimbawa:

  1. Bumili ako ng ilaw na kapis para sa pinsan kong nagbalikbayan. –
  2. Ibinili ko ng ilaw na kapis ang pinsan kong nagbalikbayan.

(Ang pinsan kong nagbalikbayan ay ibinili ko ng ilaw na kapis.)

  1. Kaganapang Ganapan – panaguring  nasa pokus sa kaganapan ang pandiwa + paksa

Halimbawa:

  1. Nagtanim ng gulay sa bakuran an gaming katulong. –
  2. Pinagtamnan ng gulay ng aming katulong ang bakuran.

(Ang bakuran ay pinagtamnan ng gulay ng aming katulong.)

  1. Kaganapang Kagamitan – panaguring nasa pokus sa kagamitan ang pandiwa + paksa

Halimbawa:

  1. Pinunsan ko ang mga kasangkapan (sa pamamagitan)  ng basahang malinis. –
  2. Ipinampunas ko ng mga kasangkapan ang basahang alinis.

(Ang basahang malinis ay ipinampunas ko ng mga kasangkapan.)

  1. Kaganapang Sanhi – panaguring nasa pokus sa sanhi ang pandiwa + paksa

Halimbawa:

  1. Nagkasakit siya dahil sa labis na paghithit ng opyo. –
  2. Ipinagkasakit niya ang labis na paghithit ng opyo.

(Ang labis na paghithit ng opyo ay ipinagkasakit niya.)

  1.  Kaganapang Direksyon – panaguring  nasa pokus sa direksyon ang pandiwa + paksa

Halimbawa:

  1. Ipinasyal ko sa Tagaytay ang mga panauhin kong kabilang sa Peace Corps. –
  2. Pinagpasyalan ko ng aking mga panauhing kabilang sa Peace Corps ang Tagaytay.

(Ang Tagaytay ay pinagpasyalan ko ng aking mga panauhing kabilang sa Peace Corps.)


Mga Aspekto ng Pandiwa

Ang aspekto ay katangian ng pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi pa nagaganap ang kilos at kung nasimulan na o natapos nang ganapin o ipinagpapatuloy pa ang pagganap.

 Salitang-ugat  Aspektong
Perpektibo
 Aspektong
Imperpektibo
 Aspektong
Kontemplatibo
 mahal  minahal minamahal mamahalin
 asa  umasa umaasa aasa
 aral  nag-aral nag-aaral mag-aaral

 

 “nag-“, “um-“, “-in-“, “-nan”, “ni-“, 
“-an”, at “na-“
  1.  Aspektong Perpektibo o Pangnagdaan – naglalarawan sa kilos o galaw na ginawa na o katatapos pa lamang. Ito ay kadalasang nabubuo sa pamamamagitan ng mga panlaping.

 

Halimbawa: nag-inum, nag-aral, uminum, itinanan, nilamon, nakitaan, nakita

 

  1.  Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan – naglalarawan sa kilos o galaw na kasalukuyang ginagawa. Nabubuo ang pandiwang ito sa pamamagitan ng pag-uulit sa unang pantig sa salitang-ugat at pagdaragdag ng panlaping katulad ng sa Apektong Perpektibo.
 “nag-“, “um-“, “-in-“, “-nan”, “ni-“, 
“-an”, at “na-“

Halimbawa:

naglalaba (nag-la-laba), umiinom (um-i-inom)

minamahal (ma-in-mahal), nilalamon (ni-la-lamon)

nakikita (na-ki-kita), nakikitaan (na-ki-kita-an)

 

  1. Aspektong Kontemplatibo o Panghinaharap – naglalarawan sa kilos o galaw na gagawin pa lamang. Ito ay kadalasang nabubuo sa pamamagitan ng pag-uulit lamang ng unang pantig ng salitang-ugat o pagdaragdag ng unlaping: “mag-” , “ipag-“, “maka-“, “naka-“. Maaaring ding gamitin ng sabay.

Halimbawa: gagawa (ga-gawa), maglalaba (mag-la-laba)

 

Di-Karaniwang Pandiwa

 

  1.  Maykaltas – di-karaniwan ang pandiwa kung ang salita ay nawawalan ng titig o pantig.

 

Salitang-ugat  Panlapi  Karaniwang
Ayos ng Pandiwa
Di-Karaniwang Ayos ng Pandiwa
 buhos  -an buhusan busan
 higit  ma- / -an mahigitan  mahigtan
 lagay  -an lagayan  lagyan
 takip  -an takipan  takpan

 

  1.  Maylipat – karaniwang ang pandiwa kung ang isa o dalawang titik ng salita ay naililipat, at may ilang titik o pantig na nawawala.
 Salitang-ugat Panlapi Karaniwang
Ayos ng Pandiwa
Di-Karaniwang Ayos ng Pandiwa
tanim -an taniman tamnan
atip -an atipan aptan
silid -an silidan sidlan

 

  1.  Maypalit – napapalitan ang isa o dalawang titik ng pandiwa kaya ito ay nagiging di-karaniwan.
 Salitang-ugat Panlapi  Karaniwang
Ayos ng Pandiwa
 Di-Karaniwang Ayos ng Pandiwa
 dinig  ma-  madinig marinig
 dugtong  ka-  kadugtong  karugtong
 halik  -an  halikan  hagkan
 bayad  -an  bayadan  bayaran

 

  1. Maysudlong – di-karaniwan ang pandiwa kung ang karaniwang anyo nito ay nadaragdagan ng isa o dalawang titik o kung ang pandiwa ay may dalawang hulapi.
 Salitang-ugat  Panlapi  Karaniwang

Ayos ng Pandiwa

 Di-Karaniwang Ayos ng Pandiwa
 antabay  -an  antabayan  antabayanan
 kuha  -in  kuhain  kuhanin
  mata  -in  matain  matahin
 buti  pag- / -an  pagbutian  pagbutihan

 

Pokus ng Pandiwa
Pokus – relasyong semantika ng pandiwa at simuno

 

  1.  Pokus sa Tagaganap-ang pandiwa ay nakapokus sa tagaganap kung ang simuno ng pangungusap ang tagagawa ng kilos.

Halimbawa:

Nakapag-aral       si Marvino       kahapon.

(pandiwa)         (simuno-tagaganap)

 

Si Marvino                            ay nakapag-aral kahapon.

(simuno-tagaganap)                       (pandiwa)

 

  1. Pokus sa Layon-ang pandiwa ay nakapokus sa layon kung ang layon ng pangungusap ang simuno.

Halimbawa:
Bantayan              mo       ang sinaing at baka masunog.

(pandiwa)  (tagaganap)  (simuno-layon)

 

Ang sinaing       ay bantayan     mo   at baka masunog.

(simuno-layon)   (pandiwa)  (tagaganap)

  1.  Pokus sa Ganapan-kung ang simuno ay nasa ganapang kilos, nakapokus sa ganapan ang pandiwa.

Halimbawa:
Pinintahan      niya       ng berde   ang mga tulay.
(pandiwa)      (tagaganap)              (simuno-ganapan)

Ang mga tulay     ay pinintahan      niya       ng berde.
(simuno-ganapan)        (pandiwa)      (tagaganap)

  1. Pokus sa Tagatanggap-nakapokus sa tagatanggap ang pandiwa kung ang simuno ang tagatanggap ng kilos.

Halimbawa:

Ikuha              mo                 si TinTin ng bagong damit.

(pandiwa)  (tagaganap)    (simuno-tagatanggap)

 

Si TinTin                        ay ikuha   mo ng bagong damit.

(simuno-tagatanggap)(pandiwa)   (tagaganap)

 

  1.  Pokus sa Gamit-nakapokus sa gamit ang pandiwa kung ang simuno ay ang kasangkapan o bagay na ginamit sa pangungusap.

Halimbawa:
Ipangguhit       mo            ang lapis    sa papel.
(pandiwa)    (tagaganap)    (simuno-gamit)

Ang lapis        ang ipangguhit       mo      sa papel.
(simuno-gamit)        (pandiwa)        (tagaganap)

 

  1. Pokus sa Sanhi-sa sanhi ang pokus ng pandiwa kung ang simuno ay nagpapahayag ng dahilan ng kilos.

Halimbawa:
Ikinatuwa    ni Czarina        ang biro          ni Zeus.
(VERB)(tagatanggap)(simuno-sanhi)(tagaganap)

Ang biro          ni Zeus    ay Ikinatuwa   ni Czarina.
(simuno-sanhi) (tagaganap) (VERB) (tagatanggap)

  1. Pokus sa Direksyon-kung ang simuno ay nagsasaad ng direksyon ng kilos, nasa pokus sa direksyon ang pandiwa.

Halimbawa:
Pinuntahan ko     ang Boracay noong isang linggo.
(VERB) (tagaganap) (simuno-direksyon)

Ang Boracay     ang pinuntahan      ko        noong isang linggo.
(simuno-direksyon)        (VERB)        (tagaganap)

 

 

 

4. PANG-URI (ADJECTIVE)

Gamit ng Pang-uri

  1. Panuring Pangngalan

Mararangal na tao ang pinagpapala.

Panuring Panghalip

Kayong masigasig ay tiyak na magtatagumpay.

  1.  Pang-uring Ginagamit Bilang Pangngalan

Ang mapagtimpi ay malayo sa gulo.

  1.  Pang-uring Kaganapang Pansimuno

Mga madasalin ang mga Pilipino.

 

Kayarian ng Pang-uri

  1.  Payak–  kung binubuo ng likas na salita lamang o salitang walang lapi.

Halimbawa :

Maiinit ang ulo ng taong gutom.

Huwag kang makipagtalo sa sinumang galit.

  1.  Maylapi – kung binubuo ng salitang-ugat na may panlapi.

Halimbawa :

kalahi                            kayganda

mataas                         makatao

malahininga

  1.  Tambalan – kung binubuo ng dalawang salitang pinag-iisa.

Halimbawa :

Karaniwang Kahulugan

taus-puso                    biglang-yaman

bayad-utang              hilis-kalamay

Patalinghagang Kahulugan

kalatog-pinggan        ngising-buwaya

bulang-gugo               kapit-tuko

 

Kailanan ng Pang-uri

May tatlong kailanan ang mga pang-uri : isahan, dalawahan, at maramihan.

Halimbawa:

Kalahi ko siya. (Isahan)

Magkalahi kaming dalawa.(Dalawahan)

Magkakalahi tayong lahat. (Maramihan)

 

Kaantasan ng Kasidhian ng Pang-uri
Iba’t ibang Antas ng Kasidhian ang Pang-uri

  1. Lantay – naglalarawan ng isang pangngalan o panghalip na walang pinaghambingan.

Halimbawa: Kabigha-bighani ang pook na ito.

  1. Pahambing – nagtutulad sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.

2 Uri ng Paghahambing

  1.  Paghahambing na magkatulad- ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing aymay patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlapingkasing, sing, magsing, magkasing o kaya ay ng mga salitanggaya, tulad, paris, kapwa at pareho.

Halimbawa:  Magkakasingganda ang mga bulaklak sa hardin.

  1.  Paghahambing na di-magkatulad – ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay maymagkaibang katangian. May dalawa itong uri:

a. Pasahol – kung ang hinahambing ay mas maliit, gumagamit ito ng mga salitang tulang ng lalo, di-gaano, di-totoo, di-lubha o di-gasino.

Halimbawa: Di-gaanong magaganda ang mga moske sa Taguig kaysa sa mga makikita sa Zamboanga.

b. Palamang – kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa pinaghahambingan,gumagamit ito ng mga salitanghigit, labis at di-hamak.

Halimbawa: Lalong kahali-halina ang mga bulaklak dito kaysa sa nakita ko sa Parke.

  1. Pasukdol – ay katangiang namumukod o nangingibabaw sa lahat ng pinaghambingan.

Halimbawa: Ang ganda-ganda ng Palawan.

Walang kaparis sa ganda si Glenda.

Pang-uring Pamilang

–          mga salitang naglalarawan sa pangngalan o panghalip sa pamamagitan ng mga numero.

Uri ng Pamilang

  1. Patakaran o Kardinal– ginagamit sa karaniwang paraan ng pagbibilang ng pangngalan o panghalip.

Halimbawa: isa, dalawa, tatlo

  1. Panunuran o Ordinal– ginagamit sa pagpapahayag ng pagkasunud-sunod ng mga pangngalan o panghalip. Gumagamit ito ng mga panlaping pang- at ika-.

Halimbawa: pang-una, pangalawa, pangatlo, una, ikalawa, ikatlo

  1. Pamahagi– ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakabaha-bahagi o pagkakahati sa kabuuan ng isang bagay. Gumagamit dito ng mga panlaping ika- at ka-.

Halimbawa: ikatlong bahagi, ikaapat na bahagi, katlo (1/3), kapat (1/4)

  1. Palansak– ginagamit sa pagsasaad ng mga bukod na pagsasama-sama ng mga pangngalan o panghalip.

Halimbawa: aanim, anim-anim, tig-anim, animan, dadalawa, dala-dalawa, tigdadalawa, dalawahan

  1. Pahalaga– ginagamit sa pagbibigay ng halaga ng isang bagay. Gumagamit dito ng mga panlaping ma- attig-.

–          pera ang tinutukoy.

Hal: Tiglilimampiso ang bili ko sa mga aklat na ito.

  1. Patakda/tiyak na bilang – inuulit ang unang pantig ng salitang bilang.

Hal. iisa,tatatlo, dadalawa, aapat

Si Teresa ay nag-iisang anak.

Sasampung piso ang natira sa kanya.

 

Mga Panlaping Makauri

  1.  in,  ma+ugat+in (madaling maging o madalas maging) – ma+ugat+on, ka+ugat+on

tabain – matabaon, katabaon

sakitin – masakiton, kasakiton

bugnotin – masaputon, kasaputon

dumihin – mabulingon, kabulingon

siponin – masip-onon, kasip-onon

matulogin – matuyugon, katuyogon

matampohin – malisoron, kalisoron

mainisin – masaputon, kasaputon

 

  1. ma+ugat (may taglay) – Asi: ka+ugat, ma+ugat

Pwede ring gamitin ang hulaping on o hon

ngunit hindi ito umaakma sa lahat ng salitang ugat. Paminsan-minsan di’y nagagamit ang hulaping an o han.

maganda – kaganda, maganda

mabaho – kabaho, mabaho, bahoan

mabato – kabato, mabato, batoon

mahalay – kauyag, mauyag, uyagon

madaya – karada, marada, radaon, radaan

 

Ang panlaping ka ay malimit na gamitin kung ang pang-uri ang nagsisilbing panag-uri (predicate) ng isangpangungusap. Halimbawa: Karada sida. Sida ay karada. (Madaya siya. Siya ay madaya.) Kung hindi, ma ang ginagamitHalimbawa: Sida ay maradang kaidamo. (Siya ay madayang kalaro.) Sa on/hon o an/han naman, hindi mahalaga kung paano ginagamit ang pang-uri. Halimbawa: Radaon/Radaan sida. Sida ay radaong/radaang kaidamo.

 

Sa mga paghahambing, ang panlaping dapat gamitin ay ma. Halimbawa: mas madaya – mas marada, pinakmadaya -pinakamarada.

 

Maraming mga salita sa Pilipino na likas na mga pang-uri. Kung walang katumbas ang mga ito sa Asi na likas na pang-uri-rin, ang mga nabanggit na panlapi rin ang dapat gamitin. Halimbawa:

tahimik – kahipos, mahipos

tamad – katamar, matamar, tamaran

 

  1.  maka+ugat (para sa) – Asi: maka+ugat

Halimbawa:

makatao – makatawo

maka-Diyos – maka-Dyos

 

  1. may / marami (hindi man panlapi, ito ay may katumbas na panlapi sa Asi) – Asi: ugat+on, ugat+hon

Halimbawa:

may / maraming galis – galison

may / maramimg kulangot – otngohon

may / maraming ipis – tabakongon

 

  1. medyo (bahagya, hindi man panlapi, ito ay may katumbas na panlapi sa Asi) – Asi: ma+ugat-ugat, maSu+ ugat

Halimbawa:

medyo maganda – maganda-ganda, maguganda

medyo pangit – mayain-yain, mayuyain

medyo malakas – makusog-kusog

 

Ang maSu+ugat ay maaring gamitin kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa katinig at kung ang unang pantig nito ay hindi katunog ng o o u. Ang S ang nagrerepresenta sa simulang katinig ng salitang-ugat.

 

  1. napaka+ugat, ugat+ugat, pang-uri+panh-uri (ubod ng) – Asi: pagka+ugat; pagkau+ugat, kau+ugat (kung angsalitang-ugat ay nagsisimula sa patinig maliban sa u o o); ka+ugat-ugat, pagka+ ugat-ugat (kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa patinig); pagkaSu+ugat, kaSu+ugat (kung nagsisimula naman sa katinig kung saan ang S ang nagrerepresenta sa unang titik nito)

Halimbawa:

napakaganda – pagkaganda, pagkaguganda, kaguganda

napakapangit – pakayain,  pagkayuyain, kayuyain

napakagaling – pagkaayo, pagkauayo, kauayo, kaayo-ayo, pagkaayo-ayo

napakaasim – pagkaaslom, pagkauaslom, kauaslom, kaaslom-aslom, pagkaaslom-aslom

napakaliit – pagkaisot, pagkauisot, kauisot, kaisot-isot, pagkaisot-isot

napakahalay- pagkauyag, kauyag-uyag, pagkauyag-uyag

maputing-maputi, puting-puti – pagkaputi, kaputi-puti, pagkaputi-puti

 

Ang pagkau, kau, pagkaSkaSay mas mataas ang antas sa pagka.

 

  1. kasing+ ugat, magkasing+ ugat, magsing+ ugat, (magkapareho) – walang panlaping katumbas ito sa Asi at sa halip ay ginagamit ang salitang pareho o kapareho

Halimbawa:

kasingganda – kapareho’t ganda

magkasingganda, magsingganda – pareho’t ganda

  1. pinaka+pang-uri (nakahihigit sa lahat) – Asi: pinaka+pang-uri

Halimbawa:

pinakamataba – pinakamataba

pinakatahimik – pinakamahipos

 

  1. pang+ugat, ika+ugat  (pamilang) – pang+ugat, ika+ugat

halimbawa:

pang-apat, ika-apat – pang-ap-at, ika-ap-at

pangsampu, ika-sampu – pangsampuyo, ika-sampuyo

 

5         PANG-ABAY (ADVERB)

Istruktural na kahulugan : ang pang-abay ay makikilala dahil kasama ito ng isang pandiwa, pang-uri o isa pang pang-abay na bumubuo ng parirala.

 

Pansemantikang kahulugan : ito ay nagbibigay- turing sa pandiwa, pang-uri o sa iba pang pang-abay.

 

Uri ng Pang-abay

  1. Pang-abay na Kataga o Ingklitik : mga katagang lagging suusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan.
  • ba           daw/raw              pala        man
  • kasi        din/rin                  tuloy      muna
  • kaya       naman                  nga         pa
  • na           yata                       lamang/lang

Halimbawa :

  • Nailigtas ba ang mga minerong nabarahan sa minahan?
  • Alam pala ng kanyang nanay ang nangyaring sakuna.
  • Kumain muna sila bago umalis.
  • Alangan naman yata na sila pa ang lumapit sa atin.
  1. Pang-abay na salita o parirala

 

  1. Pamanahon – (Adverb of Time) nagsasaad kung kailan ginanap ang kilos.
  • May Pananda

nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang

Hal. Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?

Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.

Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan.

  • Walang Pananda

kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandal, atb.

Hal. Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino.

Ipagdiriwang ngayon n gating pangulo ang kanyang ika-40.

  • Nagsasaad ng dalas

Araw-araw, tuwing umaga, taun-taon, atb.

Hal. Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan.

Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanitili ang kanyang kahulugan.

 

  1. Panlunan – (Adverb of Place) tumutukoy sa pook/lugar kung saan naganap ang kilos.

Sa – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip.

kay/kina – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao.

Hal. 1. Maraming masasarap na ulam ang itininda sa kantina.

2 Nagpaluto ako kina Aling Myra at Luisa ng masarap na keyk para sa iyong kaarawan.

 

  1. Pamaraan – (Adverb of Manner) naglalarawan kung paano naganap, o magaganap ang kilos ng pandiwa. Ginagamitan ng panandang nang o na/-ng.

Halimbawa :

  • Kinamayan niya ako nang mahigpit.
  • Natulog siya nang patagilid.
  • Bakit siya umalis na umiiyak?

 

  1. Pang-agam – pang-abay na nagsasaad ng walang katiyakan ng isang kilos.

Hal. Marahil, sigurong, tila, baka, wari, atb.

  • Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng Sandiganbayan.
  • Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.
  • Waring natutupad din ang ating mga pangarap.

 

  1. Panang-ayon- (Adverb of Affirmation) pangabay na nagsasaad ng pangsangayon. Ito ay katumbas ng “affirmation” sa Ingles. Ang ilan sa ganiton pang-abay ay oo, opo, tunay, talaga, atb.

Halimbawa:

Opo, susundin ko po ang utos ninyo.

Tunay, na maganda siya.

  1. Pananggi – (Adverb of Disagreement/Negation) pang-abay na nagsasaad ng hindi pagsangayon tulad ng hindi/di at ayaw.

Halimbawa:

  • Hindi pa lubusang nagagamot ang sakit na kanser.
  • Ngunit marami na rin ang ayaw tumigil sa pagsisigarilyo.

 

  1. Panggaano o Pampanukat – nagsasaad ng dami, halaga o timbang

Halimbawa :

  • Tumaba ako ng limang libra.
  • Dinagdagan niya ang biniling lansones nang apat na guhit.
  • Tumaagal ng limang oras ang operasyon niya.

 

  1. Pamitagan (Adverb of Respect)- nagsasaad ng pagrespeto
  1. Kailan po kayo uuwi?

Opo, aakyat a po ako.

 

  1. Panuring – nagsasaad ng pagsasalamat o pagtanaw ng utang na loob.

Hal. Maraming salamat at tinulungan mo ako.

  1. Pananong – pang-abay na ginagamit sa pagtanong
  2. Panunuran – Pagsusunud-sunod ng mga salita, hanay o kalagayan.

Hal.        Kahuli-hulihang tinawag ng guro ang batang walang takda.

  1. Panulad – (Comparative Adverb) pang-abay na nagsasaad ng paghahambing

Hal.        Di-hamak na masipag si Ana kaysa kay Trining.

  1. Kundisyunal – nagsasaad ng kundisyon pa

ay nagsasaad ng kundisyun para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Mga sugnay o parirala na pinangungunahan ng kung, kapag, o pag at pagka-.

Hal.        Luluwag ang ekonomiya ng bayan japag nakapagtatag ng maraming industriya ditto sa atin.

  1. Kusatibo – tawag sa pang-abay na nagsasaad ng dahilan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Binubuo ng parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa.

Hal.        Nagkasakit si Vianning dahil sa pagpapabaya sa katawan.

  1. Benepaktibo – nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagganap sa kilos ng pandiwa o layunin ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa :

o   Mag-aroskaldo ka para sa maysakit.

o   Magbili ka ng mga alaga mong manok para sa matrikula mo.

  1. Pangkaukulan– pinangungunahan ng tungkol, hinggil, o ukol.

Halimbawa :

o   Nagplano kami tungkol sa gagawin nating pagdiriwang.

o   Nagtapat siya sa ina hinggil sa kanilang pagiging magnobyo.

 

MGA PANG-UGNAY

Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.

 

6         PANGATNIG (CONJUNCTION)

 

Ang Pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa salita sa kapwa salita, o isang kaisipan sa kapwa kaisipan. Ito ay maaaring pantulong o pantuwang.

Mga Uri Ng Pangatnig

ž  Pantuwang ang pangatnig kapag pinag-uugnay nito ang mga magkakasingkahulugan, magkakasinghalaga o magkakapantay na mga bagay o kaisipan.Ang mga pantuwang na pangatnig ay: at, saka, pati.

Halimbawa:

  • Magtitirik ng kandila at magpapadasal si Ka Ebeng sa Araw ng mga Patay.
  • Ang mga mamamayan pati na ang mga dayuhan ay pupulungin ng Pangulo.
  • Dalhin mo bukas pagtungo natin sa talon ang timba, tabo saka ang mga labahin.

ž  Pantulong  naman ang pangatnig kung pinag-uugnay nito ang sugnay na di- makapagiisa sa malaya o makapag-iisa o punong sugnay. Nag-uugnay ng di-magkapantay na salita, parirala o sugnay: kung, kapag, upang, para,  nang,  sapagkat, dahil sa.

Halimbawa:

  • Nag-trabaho siya ng mabuti, para makabili siya ng damit.
  • Umasenso ang kanyang buhay, dahil sa kanyang pagsisikap

ž  Pamukod – pamukod ito kung may pamimili, pagtatangi, pag-aalinlangan, pagtatangi sa isa o sa iba sa dalawa o mahigit pang bagay o kaisipan. tulad ng o, ni, man, maging at kaya.

Halimbawa:

¡  Ni sa pangarap ni sa panaginip ay hindi siya nagisip ng ganyon.

ž  Paninsay o Pasalungat – kung sa tambalang pangungusap, ang ikalawa ay sumasalungat sa una, ang ginagamit ay: ngunit, bagaman, habang, kahit, datapwat, subalit.

Halimbawa:

¡  Sasalo raw siya kahit masama ang kanyang loob.

¡  Ang mamamayang pilipino, bagama’t hirap sa buhay, ay laging kamamasdan ng kasiyahan.

Ang subalit ay ginagamit lamang kung ang ngunit, at datapwat ay ginagamit na sa unahan ng pangungusap.

Matahimik pa rin ang Pilipinas ngunit hindi pa rin lubos makapaniwala ang mga taga-ibang bansa dahil sa maling nalalathalang balita, subalit patuloy pa rin silang dito ay dumaragsa.

ž  Panubali – kung may pag-aalinlangan o pagbabakasakali, ang ginagamit ay: kung, pag, sana, baka, pagka, kapag, sakali.

    • Lalong hihirap ang iyong buhay kung babayaan mong nakatiwangwang ang iyong lupa.
    • Pinamihasa mo ang iyong anak sa karangyaan, baka magsisi ka pagdating ng araw.

ž  Pananhi – mula sa salitang sanhi o dahilan. Ito ay ginagamit kung ang mga kadahilanan, ay inilalahad, kung nangangatwiran, kung tumutugon sa katanungang “bakit?”

–          Ang mga salitang ginagamit ay: dahil, sapagkat, palibhasa, kasi, kundangan, atb.

  • Sumama ang kanyang pakiramdam dahil sa nakain niyang hilaw na mangga.
  • Lumayas ang anak niya kasi sobra niyang pinagmamalupitan.

ž  Panlinaw– kung ang nasabi ay pinaliliwanagan pa, ang ginagamit ay: samakatuwid, kaya, gayunpaman, kung gayon, alalaon, sana, atbp.

Hal.

  • Makahulugan at makabulahan ang kasaysayan, sa makatuwid, ang palasak nating kawikaan: “Ang hindi marunong lumingon sa pinangalingan ay hindi makararating sa paroroonan.” ay diwang bagay lamang.

ž  Panulad– ito ay pariralang magkatugon na ginagamit sa pagtutulad.

  • Kung ano ang itinanim, ay siya ring aanihin.
  • Kung alin ang pinagkapili-pili, ay siya pang nakuha ng bungi.

ž  Panaposginagamit ang pangatnig na ito kung nagpapahayag ng layon o pagbabadyang nalalapit na pagwawakas sa pagsasalita. Ito ay:upang, nang, sa wakas.

  • Pahalagahan ang pangaral ng mga magulang nang hindi malihis ng patutunguhan.
  • Ang Pilipinas, sa wakas, hindi pa man lubos na maunlad ay kababanaagan na ng mapangakong bukas.

 

7. PANG-ANGKOP (LIGATURE)

–          ay ang salitang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan (nangg).

May Tatlong Pang-angkop ang ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita

  1.  Pang-angkop na na – ginagamit kung ang salitang sinisundan ay nagtatapos sa katinig.

Halimbawa: Mataas na kahoy ang kanyang inakyat.

  1.  Pang-angkop ng ng – ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa patinig.

Halimbawa: Masayang naglalaro ang mga bata.

 

Ang pang-angkop na –ng ay nag-uugnay rin sa mga salitang magkakasunod kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa katinig na n. Ngunit hindi ito isinusulat sa ganitong anyo. Ang titil na n sa hulihan ng salita ay kinaltas na lamang. Kaya ang angkop na –ng at hindi –g ang ginamit.

 

Hal. Luntian ng halaman – luntiang halaman

Maraming banging matatarik sa ating bansa.

  1. Pang-angkop na g – ginagamit kung ang salitang durogtungan ay nagtatapos sa titik na n.

Halimbawa: Isang masunuring bata si Nonoy.

 

8. PANG-UKOL (PREPOSITION)

 

v  Pang-ukol ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap.
v   Ito ay ginagamit upang matukoy kung sang lunan o kung anong bagay ang mula o tungo, ang kinaroroonan, ang pinangyarihan o kina-uukulan ng isang kilos, gawa, balak ari o layon. Ang mga ito ay laging may layon na maaaring isang pangngalan o isang panghalip.

 

 

Mga uri o mga karaniwang pang-ukol

sa/sa mga            ng/ng mga          ni/nina

kay/kina               sa/kay                   labag sa

nang may            tungkol sa/kay  mula sa

hinggil sa/kay     nang wala            para sa/kay

laban sa/kay       ayon sa/kay        tungo sa

alinsunod sa/kay

 

Dalawang pangkat ng Pang-ukol

  1. Ginagamit na pangngalang pambalana: ukol sa, laban sa, hinggil sa, ayon sa, tungkol sa, para sa.

Halimbawa:

  • Ukol sa mga Filipino ang paksa ng usapin.
  • Laban sa manggagawa ang kanilang pinapanukala.
  • Ang mga aklat na ito ay para sa mahihirap.

2. Ginagamit sa ngalan ng tanging tao – ang gawa, ari, layon, at kilos ay para lamang sa ngalan ng tao, tulad ng ukol kay, laban kay, para kay, tungkol kay, ayon kay, hinggil kay.

Halimbawa:

  • Para kay Juan ang pagkaing ito.
  • Hinggil kay Enrico ang kanilang problema.
  •  Ayon kay Rizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa ating kaalaman.
  • Ang napili naming paksa para sa dula ay tungkol kay Andres Bonifacio.

 

9. MGA PANANDA

                – ay nagsisilbing tanda ng gamit ng pambalarila ng isang salita sa loob ng pangungusap o ayos ng mga bahagi ng pangungusap.

 

  1. Mga Pantukoy (Article/Detreminer)

–          Ay katagang nangunguna sa pangngalan o panghalip na ginagamit na simuno o kagaganapang pansimuno o panag-uri o alinman sa dalawa.

Dalawang Uri ng Pantukoy

  1. Pantukoy na Pambalana – tumutukoy sa pangngalang pambalana ang, ang mga, mga

 

ang (isahan)

Halimbawa: Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga nasasakupan.

ang mga (maramihan)

Halimbawa: Nagtulung-tulong ang mga mag-aaral sa paggawa ng collage.

mga (maramihan)

Halimbawa: ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod.

 

  1. Pantukoy na Pantangi – tumutukoy sa pangngalang pantangi (tiyak na tao) si, sina, ni, nina, kay, kina

 

si (isahan)

Halimbawa: Si Gng. Arroyo ay nagsisikap upang mapabuti ang kalagayan nating mga Pilipino.

Sina (maramihan)

Halimbawa: nanguna sa paglilinis ng barangay sina G. at Gng. Dela Cruz.

Ni (isahan)

Halimbawa: Napagalitan ni Coach Dimagiba ang mga manlalaro dahil hindi sila dumating sa oras.

Nina (maramihan)

Halimbawa: hindi ininatuwa ng guro ang pag-aaway nina Anton at Luis.

Kay (isahan)

Halimbawa: Ibinahagi ni Sofia ang kanyang keyk kay Sam.

Kina (maramihan)

Halimbawa: Nakipagkasundo na si Lukas kina Juan at Pedro.

 

 

 

CREDITS NOT MINE 🙂